Linggo, Mayo 22, 2011

Kami ang Artistiko!

Nag umpisa ang Artistiko sa isang animation studio sa Puerto Princesa City, Palawan. Lahat ng miyembro (maliban kay Ely),  ay mga artist sa studio. 

Wala pa talagang pormal na pangalan noon ang grupo, hanggang sa nag-umpisa kaming sumali sa iba't-ibang art competition dito sa aming lungsod. Hanggang sa napagkasunduan namin na Artistiko na ang gamiting pangalan ng grupo. Ipinagpatuloy namin ang aming samahan nung nawala na ang animation studio. Wala na rin kasi kaming projects na ginagawa kaya nag isip kami ng ibang mapagkakaabalahan na magagamit pa rin namin ang aming hilig, na ginawa na rin naming permanenteng trabaho.

Nagsimula kami sa henna tattoo at face painting sa Palarong Pambansa. Yun ang pinaka-unang project namin bilang Artistiko. At mula noon, hindi na kami nawawala sa mga events ng aming lungsod. Makikita niyo kami sa Baragatan Festival, Balayaong Festival, Tandikan Festival, at sa kung anu-ano pang mga pagdiriwang dito sa amin.

Layunin naming tulungan ang mga artists na walang trabaho. Bukas ang aming grupo sa sino mang interisadong sumali sa amin. Nais din naming mapalaki ang Artistiko.

Ang mga myembro:

Joseph 
Sherwin 
Glenn
Nixon
Bloi
Ely
Jers
Abe Sam

Maaari niyo kaming kunin bilang mga artist ninyo. mag email lang sa artistiko_palawan@yahoo.com